Sunday, January 18, 2026

PESO, NAGSAGAWA NG JOB FAIR SA QUIRINO

Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Local Government Unit (LGU) ng Cabarroguis, Quirino katuwang ang Department of Labor and Employment – Quirino Field Office (DOLE-QFO) ang isang Job Fair na ginanap sa Barangay Council Hall, Zamora, Cabarroguis, Quirino noong Hunyo 21, 2022.

Mahigit 400 na bakanteng trabaho mula sa 11 lokal at 3 pribadong ahensya sa ibang bansa ang inaalok para sa mga aplikante sa Job Fair.

Dalawang aplikante ng munisipyo ng Cabarroguis ang na-hire-on-the-spot.

binigyang-diin naman ni QFO Provincial Director Laura B. Diciano ang pagtaas ng arawang sahod ng mga manggagawa para sa mga pribadong ahensya ayon sa Wage Order No. RTWPB 2-21.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni PESO Manager Herminigilda Gamet na nagsilbing facilitator ng nasabing Job Fair.

Samantala, isa pang Job Fair ang gaganapin sa Hulyo 1, 2


Facebook Comments