PESO ng Las Piñas may handog na job fair ngayong araw

Magsasagawa ng Job Fair ang Las Piñas Public Employment Service Office (PESO) ngayong araw.

Ang nasabing job fair ay gaganapin sa Robinson’s Place Las Piñas magmula alas 9 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

Libu-libong job vacancies o employment opportunities din ang handog ng 30 participating registered firms na nasa larangan ng retail, manpower, office staff housekeeping at maraming iba pa.


Sa mga interesado, pinapayuhang magdala ng resume at iba pang importanteng dokumento na kinakailangan para sa employment.

Pinapayuhan din ang mga aplikante na maging presentable dahil mayroong ilang employer na naghahanap ng kanilang bagong manggawa on the spot o yung mga na-hired on the spot.

Facebook Comments