Pest control sa NAIA, pinaigting kasunod ng reklamo ng mga pasaherong nakaranas ng pangangati at pamamantal dahil sa surot

Puspusan ang ginagawang pest control ngayon sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod ito ng reklamo ng ilang mga pasahero na nagkaroon ng mga sugat at pantal dahil sa pinaniniwalaang kagat ng mga surot.

Sa Facebook page na DIY Travel Philippines, ilang Pinoy traveler ang nagbahagi ng kanilang ‘surot encounters.’


Hinala ng mga pasahero, nakuha nila ito sa pag-upo sa mga bench ng departure area at rattan furniture sa arrival area.

Humingi na ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga nabiktima ng bug infestation.

Inalis na rin ang mga upuang pinaniniwalaang may mga surot.

Facebook Comments