PESTE | Bukirin ng Santo Tomas sinalakay ng mga tipaklong!

Dinagsa ng mga pesteng tipaklong o grass hoppers ang mga taniman ng mais sa munisipalidad ng Santo Tomas, Pangasinan.

Dahil dito naalarma ang mga mamamayan ng bayan partikular na ang mga magsasaka mismo ng maisan.

Direktang sinisira ng naturang peste ang mga dahon sa pamamagitan ng pagsipsip ng katas nito hanggang sa tuluyang matuyo at mamatay. Dahil diyan, mas lalong naalarma ang mga nag-alalaga ng taniman ng mais sa pinsalang dala ng mga peste.


Gayunpaman, inaksyunan na rin ng pamahalaang bayan ang problema ng mga magsasaka dahil baka ito ay magresulta sa pagkalugi ng mga owners at mga sumasaka.

Nagpa-abot na rin ang pamahalaan ng Santo Tomas ng kaunting tulong at handog gaya ng bagong binhi ng mais para itoy kanilang pagsimulang muli at sa panibagong pagtatatim nito.

Ayon naman sa Municipal Agriculture Office, pumapalo hanggang limang-libong tonelada ng mais ang naaani ng mga magsasaka sa buong bayan ng Santo Tomas, Pangasinan.

Sa kabilang dako naman ay umaabot hanggang 12,000 metric tons ang halos naaani ng mga magsasaka taun-taon.

Subalit sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin sila na mas gaganda at mas lalago ang produksyon ng mais sa kanilang bayan sa ibinahaging na tulong.
Ulat ni Jhon Michael M. Caranto

Facebook Comments