MAY PATUTSADA | Mayor Belen Nagpahaging sa mga Nagpapakalat ng Fake News

“When the real time comes, when there is a calamity, when we make announcements, baka wala nang maniwala” Ito ang paksang diwa ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa isang seminar na ginanap sa isang paaralang elementarya sa Bonuan.

Kaakibat ni PCOO Secretary Martin Andanar sa adbokasiya laban sa misinformation. Pokus ng seminar na ito ang mga batang journalists sa Dagupan na silang pinaniniwalaang sugo upang masugpo ang paglaganap ng fake news.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin Ni Mayor Belen ang hindi magandang dulot ng maling impormasyon mula sa mga online trolls, lalo na sa mga impormasyon tungkol sa siyudad na siyang nakakaapekto sa mga investments at tourism nito. Sa huli, nag-iwan si Mayor Belen ng paalala sa bawat mamayanan, “Think twice”.


Ulat nina Geannie Victorio at Denise Paderon

Facebook Comments