Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, inalis na sa custody ng PNP

Wala na sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel Advincula.

Ang lalaking nagpakilalang Bikoy na nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video.

Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, malaya na si Advincula makaraang makumpleto nito ang paghahain ng sinumpaang salaysay, dalawang linggo na ang nakakalipas.


Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kanyang mga alegasyon at kung may katanungan ang PNP ay saka lang siya kokontakin para makapagbigay linaw.

Samantala, sinabi naman ni Banac na hindi nakapasa si Advincula sa threat assessment dahil hindi naman nakumpirma kung totoo nga bang may banta sa kanyang buhay.

Maliban dito, verbal lang daw ang kanyang hiling at walang pormal na sulat sa PNP para magkaroon ng proteksyon.

Facebook Comments