Peter Lim at ilang drug personalities bigong humarap sa pagdinig sa DOJ, samantala Kerwin Espinosa present sa hearing

Manila, Philippines – Tanging si Kerwin Espinosa lamang na sinasabing big time drug lord sa Visayas region ang sumipot sa pagdinig na pinatawag ng Department of Justice.

No show naman si Peter Go Lim alyas Jaguar na nasa drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte maging sina Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal na tanging mga abugado lamang ang pumunta sa pagdinig.

Ayon kina Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes at John Michael Humarang ang mga piskal na humahawak sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga nabanggit na indibidwal, kinakailangang sumipot sina Peter Lim at iba pa sa susunod na pagdinig upang personal na panumpaan ang kani-kanilang counter affidavit.


Itinakda naman sa Aug 24 ng DOJ Panel ang susunod na pagdinig

Kung mabibigo ang mga ito na humarap sa susunod na pagdinig ay idedeklara nang submitted for resolution ang reklamo.

Samantala, itinanggi naman ni Kerwin Espinosa ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa illegal na droga.

Mahigpit ang seguridad na pinairal kanina sa pagdinig kung saan bantay sarado ng mga tauhan ng NBI si Kerwin Espinosa, katunayan suot pa nito ang isang bullet proof vest.

Agad naman itong ibinalik sa NBI detention facility pagkatapos ng pagdinig.

Facebook Comments