Manila, Philippines – Sinimulan na ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group – Central Visayas ang pag-iimbestiga sa Filipino-Chinese businessman na si Peter Lim.
Sinabi ni CIDG-7 Director Supt. Royina Garma – nagsasagawa na sila ng kumpletong background at financial investigations kay Lim.
Ngayong Linggo – magpapadala na ng subpeona sa negosyante para maobliga itong sumipot sa Department of Justice na nangunguna sa imbestigasyon.
Aniya, kapag nakahanap ng sapat na ebidensya – agad itong sasampahan ng kaso.
Tiniyak naman ng kampo ni Lim na makikpagtulungan sila sa mga otoridad lalo’t wala itong itinatago.
Dati nang pinangalanan ni Pangulong Duterte si Lim na isa sa pinakamalaking drug lord sa bansa.
Bukod kay Lim – iniimbestigahan rin ng CIDG ang self-confessed drug lord na si Franz Sabalone, retired general at ngayo’y Daanbantayan Mayor Vicente Loot, dating Cebu City Mayor Michael Rama, Supt. Rex Derilo, Supt. George Ylanan at iba pang PNP officials.