PETISYON | DOJ, nakatakdang ibaba ang desisyon sa petition for review ni Sister Fox

Manila, Philippines – Hawak na ng office of the secretary ng department of justice ang komento ng Bureau of Immigration.

Kaugnay ito sa petition for review na inihain ni australian missionary sister patricia fox matapos ang deportation order sa kanya ng Bureau of immigration.

Sinabi ni Secretary Menardo Guevarra na kailangan niyang makuha ang komento ng BI bago pagpasyahan ang petisyon ni Sister Fox.


Sinabi naman ng kampo ni Sister Fox na magsusumite sila ng tugon sa komento ng immigration bureau sa Lunes, Oktubre a-Kinse.

Iginiit ng kampo ng Australian missionary ang karapatan ng mga banyaga para sa freedom of expression and assembly na kinikilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Facebook Comments