WALANG NAKAKAALAM | Lahat ng cabinet secretaries, hindi alam ang biyahe ng Pangulo sa Hong Kong

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos mabatikos nanaman na hindi alam ni Roque ang schedule ng Pangulo na dapat nitong nalalaman bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Ayon kay Go, kahit isa sa mga gabinete ni Pangulong Duterte ay alam ang biglaang shot break ni Pangulong Duterte sa Hongkong kasama ang kanyang common law wife na si Honeynet Avancena at anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Sinabi ni Go na Very Private lamang ang lakad Pangulo dahil tao din naman ito at kailangan nito ng pahinga at bonding kasama ang kanyang pamilya na hindi na aniya nagagawa mula nang ito ay maupo bilang Pangulo ng Bansa.


Binigyang diin din naman ni Go na walang katotohanan ang inilabas ng kolumnista na si Ellen Tordesillas na mayroong tagahawak ang Pangulo ng bundle bundle na pera habang nag shoshoping sa Hongkong kasama ang kanyang pamilya.
Sinabi ni Go, nagpahinga ang Pangulo at hindi shopping sa Hongkong.

Facebook Comments