Dumulog sa Korte Suprema ang pamilya nina dating New People’s Army (NPA) Cadre Jeffrey “Ka Eric” Celiz at dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF–ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy.
Sa kanilang 34 pahinang petitions for Habeas Corpus at certiorari with urgent ex-parte prayer for prelimininary mandatory injuction, tumayong petitioners sina Walter Partosa; asawa ni dating ELCAC Spokeperson Lorraine Badoy at Rogilda Celiz na 1 ni Jeffrey Celiz.
Respondents naman sa petisyon ang Committee on Legislative ng Kamara gayundin sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Napoleon Taas.
Ayon kay Atty. Harry Roque, abugado ng petitioners, kinuwestiyon ng kanyang kliyente ang pagpaparusa sa mga mamamahayag sa kanilang aniyay paglalahad ng katotohanan sa kanilang programa.
Kinuwestiyon din nila ang paggamit ng Sotto Law sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa pagpilit sa mga mamamahayag na ibunyag ang kanilang source sa expose.
Kinuwestiyon din nila ang pagpapakulong sa mga tumetestigo nang hindi anila kinukuha ang panig ng mga ito.