Petisyon kontra Anti-Terror Law, umakyat na sa 31

Pumalo na sa 31 ang mga petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Law.

Ito ay matapos na maghain na rin ng petisyon ang grupo ng mga propesor, guro at kanilang mga kasamahan sa Academics Unite for Democracy and Human Rights.

Kasabay ng kanilang paghahain ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema ang pagdaraos ng maikling rally para igiit ang “academic freedom.”


Ayon sa mga petitioner, hindi rin naging malinaw ang depenisyon sa batas ng terorismo.

May pattern din anila ng red-tagging, harassment at kahalintulad na nagdadala ng mas maraming kaso ng human rights abuses laban sa mga progresibong grupo gaya ng Alliance of Concerned Teachers.

Inaabangan na rin ng mga petitioners ang pagtatakda ng Korte Suprema ng eksaktong petsa ng oral arguments sa kanilang mga petisyon bagama’t pinakakansela ito ng Office of the Solicitor General dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments