Hindi kinatigan ng House Committee on Ethics and Privileges (HCEP) ang hiling ng misis ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo na patalsikin bilang miyembro ng Kamara si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Paliwanag ni Ethics Panel Chairman Felimon Espares, hindi napanumpaan ang petisyon o sulat ni Pamplona Mayor Janice Degamo na isinumite sa komite noong Marso.
Binanggit ni Espares, na sumulat sila kay Mayor Degamo noong Abril hinggil dito bukod sa may iba-ibang requirements na dapat ding masunod.
Sabi naman ng miyembro ng komite na si Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon, maituturing na bilang “not filed” ang petisyon ni Mayor Degamo dahil hindi napanumpaan.
Facebook Comments