Nakatakdang i-raffle sa Lunes ng member-in-charge ang petisyon na inihain sa Korte Suprema ng ABS-CBN Corporation na humihiling na pigilan ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission o NTC na nagpapatigil sa operasyon ng network.
Ito rin ang magsasagawa ng rekomendasyon sa Supreme Court En Banc para sa deliberasyon ng petisyon.
Inihirit ng ABS-CBN sa Supreme Court na magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa implementasyon ng cease and desist order ng NTC.
Layon nito na hilingin sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang kautusan ng NTC.
Iginiit ng ABS-CBN na ang cease and desist order ng NTC ay paglabag sa karapatan ng publiko para sa tamang impormasyon at pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag.
Facebook Comments