Petisyon ng ABS-CBN sa Korte Suprema, nai-raffle na

Nai-raffle na sa Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN Corporation laban sa National Telecommunications Commission (NTC).

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, na naitalaga na sa isang mahistrado ang naturang petisyon ng ABS-CBN kontra sa NTC.

Gayunman, hindi na naglabas si Hosaka ng iba pang detalye ukol sa raffle dahil ito aniya ay “confidential” alinsunod na rin sa internal rules na Kataas-Taasang Hukuman.


Una nang naghain ng petisyon ang ABS-CBN na humihirit sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa cease and desist order ng NTC na nagpapahinto sa operasyon ng network.

Facebook Comments