Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Philippine National Bank o PNB sa paghahabol sa benepisyo ng ilan nitong empleyado
Ayon sa Korte Suprema, walang merito ang naturang petisyon ng PNB laban sa paghahabol ng 60 na kasalukuyang empleyado at 15 dating kawani ng naturang bangko sa hindi nabayarang benepisyo.
Sa 10 pahinang resolusyon ng SC, binigyang diin ng Supreme Court Third Division na hindi nagkamali ang mababang hukuman at Court of Appeals na paburan ang mga naghahabol na kawani.
Napatunayan aniya ng mga naghahabol na empleyado na dapat silang bayaran sa kanilang cos of living allowance, backpay, at iba pang allowance mula November 1, 1989 hanggang May 26, 1996.
Ayon pa sa SC, nabigong maghain ang PNB ng sapat na ebidensya sa kanilang petisyon at hindi rin ito dumadalo sa mga conference na itinakda ng RTC kahit pa ang PNB mismo ang humiling nito.