Petisyon ng Smartmatic laban sa disqualification ng Comelec para sa bidding sa 2025 elections, kinatigan ng Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng kompanyang Smartmatic laban sa Commission on Elections (Comelec).

Ito’y kaugnay ng disqualification ng kanilang bid para maging service provider sa 2025 elections.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, maituturing na “grave abuse of disecretion” ang pag-disqualify ng Comelec sa Smartmatic, batay sa desisyon ni Justice Midas Marquez.


Nilabag umano ng Comelec ang probisyon ng Government Procurement and Reform Act dahil agad nitong dinisqualify ang Smarmatic kahit hindi pa ito nakapagsusumite ng bidding requirements.

Bagama’t pinanigan ng SC ang petisyon ng Smartmatic, wala umanong nakitang dahilan ang korte para ipawalang bisa ang naganap na public bidding at pag-award ng kontrata ng Comelec sa Miru Systems Inc.

Hindi rin pinagbigyan ng SC ang hirit ng Smarmatic na maglabas ng TRO at Writ of Preliminary Injunction.

Facebook Comments