๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—ก๐—”๐—”๐—š๐—ก๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ก, ๐—ก๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ฅ๐—”๐—ญ๐—œ๐—Ÿ

CAUAYAN CITY – Hindi bababa sa 20 patay na katawan ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang bangka sa dalampasigan ng Braganรงa, Northeastern Brazil.

Ayon sa Brazilian Federal Public Ministry, hindi pa masabi ang eksaktong bilang ng patay na katawan ang nilalaman ng bangka dahil pahirapang matukoy ang mga ito dahil na rin sa nasa state of decomposition na ang mga bangkay.

Posible rin umano na hindi mula sa naturang bansa ang mga katawang natagpuan bagkus maaring galing ang mga ito sa Caribbean.


Sa isinagawang imbestigasyon ng local authorities, wala umanong lumabas sa kanilang record na mayroong Brazzilian ang nawawala.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima gayundin ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Facebook Comments