Petisyon ng SMNI anchors na sina Celiz at Badoy, hindi pa pwedeng ibasura ng Korte Suprema

Hindi pa pwede ideklarang moot and academic ang petition for the writ of habeas corpus nina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy na pinatawan ng cite in contempt ng House of Representatives.

Ito ang pahayag ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo kasunod ng pagpapalaya ng Kamara kina Celiz at Badoy dahil sa humanitarian considerations Martes ng hapon.

Ayon kay Gesmundo, hindi pa nai-raffle ang naturang petisyon na tutukoy kung saan dibisyon mapupunta ang pagresolba sa usapin.


Matatandaang inabot ng anim na araw sa detention facility ng Kamara sina Celiz at Badoy matapos mapikon ang mga kongresista sa patuloy na pagsisinungaling ng dalawa hinggil sa pagdinig ukol sa P1.8 billion na foreign travel expenses na iniulat ni Celiz sa programa nito sa Sonshine Media Network Incorporated (SMNI).

Hindi naman tinukoy ng Punong Mahistrado kung kailan ira-raffle ang naturang petisyon at kung kailan diringgin ang usapin.

Facebook Comments