18 pang Pinoy repatriates mula Lebanon, dumating sa bansa

Dumating na rin sa bansa ang ika-17 batch ng Filipino repatriates mula Lebanon na naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Sila ay binubuo ng 18 Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating kanina sa NAIA 3.

Sa ngayon, umaabot na sa 82 OFWs mula sa Lebanon ang napauwi ng pamahalaan.


October 28 ng taong ito nang simulan ng gobyerno ang pagpapauwi sa mga Pinoy sa Lebanon na apektado ng Hamas conflict.

Facebook Comments