Wednesday, April 8, 2026

Petisyon ni VP Duterte laban sa impeachment proceedings, ‘panlilinlang’ umano — Ridon

Tinawag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na panlilinlang sa publiko at sa Supreme Court ang petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang mga abogado upang pigilan ang nagpapatuloy na impeachment proceedings sa House Committee on Justice.

Ayon kay Ridon, nakabatay umano ang petisyon sa maling paglalahad ng mga pangyayari at maling interpretasyon ng Konstitusyon at umiiral na jurisprudence.

Iginiit din niya na hindi totoo ang pahayag sa petisyon na hindi ang plenaryo ng Kamara ang nag-refer ng mga impeachment complaint.

Dagdag pa ni Ridon, wala ring rekisito sa batas at sa Konstitusyon na kinakailangang magkaroon ng deliberasyon bago ang referral.

Binigyang-diin niya na walang paglabag sa one-year bar rule at due process sa mga naging hakbang ng House Committee on Justice.

Tiniyak naman ni Ridon na magpapatuloy ang Kongreso sa impeachment proceedings sa kabila ng petisyon na inihain sa Kataas-taasang Hukuman.

Kaugnay ito ng mga isyung kinahaharap ng Pangalawang Pangulo, kabilang ang confidential funds, umano’y di-maipaliwanag na yaman, at pagbabanta sa Pangulo.

Facebook Comments