Nakaabot na ng Korte Suprema ang isang petisyon para kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni presumptive President Bongbong Marcos Jr.
Ang naturang petisyon ay mula sa mga civic leaders na sina Fr. Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Cecilia Lagman Sevilla, Riland Vibal at Josephine Lascano.
Muling iginiit ng civic leaders sa pamamagitan ng legal counsel nila na si Atty. Theodore Te ang ineligibility ni Marcos Jr. para tumakbo ngayong halalan at hindi rin siya maaaring ideklara bilang bagong pangulo ng bansa dahil sa ilang iregularidad nito ng maghain ng kaniyang COC.
Kabilang na rito ang hindi pqgdedeklara ng kasong kinakaharap ng mga Marcos hinggil sa Estate Tax.
Kaugnay nito, hiniling ng mga petisyoner sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order (TRO) para itigil ng Senado at Kamara ang canvassing ng boto ni Marcos.
Gayundin ang pagpo-proklama sa kaniya bilang nanalong presidente ngayong 2022 elections.