Petisyon para maglabas ng TRO ang Korte Suprema sa PUV Modernization Program, inihain ng PISTON

Photo Courtesy: Angekyla Barroquillo

Naghain ng petisyon ang grupong PISTON sa Korte Suprema para hilingin na magpatupad ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa PUV Modernization Program.

Ayon kay BAYAN MUNA Chairman at dating Representative Neri Colmenares, palpak umano ang gobyerno sa pagpapatupad nito kaya nararapat lamang na itigil ang programa.

Inihalimbawa ng dating kongresista ang ilang beses na pagpapalawig sa deadline dahil sa kaunting bilang ng mga driver at operator na nagpapa-consolidate.


Ayon kay Colmenares, tanging ang mga kapitalista at mga dayuhan ang pinapanigan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa isinusulong na modernization program.

Ngayong lunes, nagsimula ang tatlong araw na tigil-pasada ng PISTON upang tutulan ang deadline ng franchise consolidation.

Sakaling bigong makapag-consolidate, hindi na sila papayagang bumiyahe pagpasok ng Mayo.

Facebook Comments