DMW Sec. Cacdac, personal na lilipad patungong Saudi Arabia para sa claims ng OFWs ng mga naluging kompanya doon

Nakatakdang lumipad patungong Saudi Arabia si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa susunod na buwan.

Kabilang sa pakay sa Saudi Arabia ni Cacdac ang hindi pa nababayarang claims at sweldo ng 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa mga kompanyang na-bankrupt doon mula 2015 hanggang 2016.

Sa ngayon kasi, 1,500 pa lamang na OFWs ang nakakuha ng kanilang claims.


Ilan din sa claimants na OFWs ay namayapa na kaya ang kanilang mga kaanak na lamang ang tatanggap ng tseke.

Ayon sa DMW, inaasahang sa ikalawang quarter ng taon ay mailalabas na rin ang iba pang tseke para sa Pinoy workers na nawalan ng trabaho.

Facebook Comments