Petisyon para sa hirit na dagdag-pasahe sa jeep, handang iatras ng mga transport group

59

Handa ang ilang transport group na bawiin ang petisyon nilang taas-pasahe sa LTFRB oras na tuparin ng gobyerno ang ipinangako nitong subsidiya sa petrolyo.

Ayon sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), malaking tulong ang subsidiya para makabawas sa epekto ng sunod-sunod na oil price hike.

Matatandaang humirit ang iba’t ibang transport group ng tatlong pisong dagdag-pasahe sa jeep.


Bukod pa rito ang dalawang pisong provisional increase habang nakabinbin ang kanilang petisyon.

Samantala, limang piso kada litrong subsidiya ang alok sa mga transport group sa isinagawang executive session sa Kamara.

Facebook Comments