Petisyon para sa P470 dagdag-sahod, muling inihain ng TUCP

Muling naghain ng petisyon para sa dagdag na P470 sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Ito ay matapos ibasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region (NCR) ang naunang petisyon ng grupo dahil hindi sila maaaring makapagbigay ng “across the board” na umento.

Ayon sa TUCP, inalis na nila ang panukalang “across the board” pero kahit hindi ito maaaring ibigay ay may kapangyarihan pa rin naman ang wage board na magpatupad ng umento.


Bukod dito ay naghain na rin ng wage hike petition ang TUCP sa Central Visayas at Davao region.

Ang hiling na umento sa sahod ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ilan pang bilihin kamakailan.

Matatandaang nauna na ring inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga regional wage board na pabilisin ang desisyon sa mga hirit na umento sa sahod.

Facebook Comments