Naghain ng petition for mandamus sa Korte Suprema sina Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta para sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin.
Layon ng paghahain na utusan ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Admistration (FDA) na agad maglabas ng certificate of product registration para sa human grade Ivermectin.
Habang nais din ng dalawa na mabigyan na ng license to operate ang mga kumpanyang nais nang gumawa, mamahagi at mag-angkat ng nasabing gamot.
Kasama rin sa petisyon nina Defensor at Marcoleta ang direktiba para payagang gamitin ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Ayon kay Defensor, hindi na kailangan ng karagdagang clinical trials dahil mahigit 60 clinical trials na ang isinagawa rito.
Matatandaang una nang sinabi ng DOH na hindi pa sapat ang mga pag-aaral para patunayang mabisa at ligtas gamitin ang Ivermectin laban sa COVID-19.