Petisyon para tanggalin sa pagkasenador si Senator Koko Pimentel, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal

Ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang dalawang petisyon na kumukwestyon kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa kanyang pagkasenador.

Kaugnay ito ng hirit nina Reymar Mansilungan at Efren Adan na pababain si Pimentel sa kanyang panunungkulan dahil lagpas na ito sa kanyang term limit.

Ayon sa SET, walang sapat na merito ang nasabing petisyon kung saan ay binigyang-diin ng tribunal na hindi naman nakapag-serve ng full term si Pimentel sa kanyang 2007-2013 term.


Matatandaang naiproklamang senador si Pimentel noong 2011 matapos manalo sa election protest kung saan pinalitan nito si Senator Juan Miguel Zubiri bilang ika-labindalawang senador (12) sa nasabing termino.

Samantala, pansamantalang kinansela ang pagdinig sa kaso ni Pimental kaugnay sa paglabag nito sa quarantine protocols sa Makati Medical Center noong Marso.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na bibigyan nila ng pagkakataon ang kampo ni Pimentel na makapaghain ng kanilang depensa.

Facebook Comments