Petisyon sa revised GCTA law, welcome sa DILG

Manila, Philippines – Idinipensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nirebisang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law.

Tugon ito ng DILG sa inihaing petisyon sa  Supreme Court (SC) ng ilang inmates na kumukwestyon sa legalidad ng revised IRR.

Ayon kay DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya, hindi matatawaran ang kakayahan ng technical working group (TWG) na bumalangkas ng IRR .


Masinsin aniya ang ginawang pagbusisi ng DILG at DOJ sa mga malabong probisyon ng batas.

Binubuo aniya ito ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na may malawak na karanasan at technical expertise.

Ani Malaya, ang bagong IRR ay isang napakahalagang hakbang sa pagreporma sa BuCor.

Bagamat kumpiyansa ang DILG sale kanilang legal na posisyon.

Gayunman, sinabi ni Malaya na welcome sa DILG ang naturang petisyon dahil ang Korte Suprema naman ang final arbiter sa usapin ng batas ng bansa.

Facebook Comments