Manila, Philippines – Tinawag na walang basehan at malisyoso ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvaor Panelo ang petisyon na inihain ng mga kongresista sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Panelo, bagamat karapatan ng sinuman na kumwestiyon sa pagdedeklara ng Pangulo ng batas militar ay nakikita niya na ang partikular na isinampa ng ilang kongresista ay walang basehan at naglalayong hatiin ang mamamayan sa pamamagitan ng pagpapakalat ng black propaganda laban sa administrasyon.
Sinabi ni Panelo, wala itong pagkakaiba sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na dumudumi lamang sa magandang imahe ng Pangulong.
Binigyang diin pa ni Panelo na hindi na kailangan pa ng rekomendasyon ng Commander in Chief mula kanimuman bago makapagdeklara ng batas militar dahil tanging siya lamang ang may ekslusibong kapangyarihan and discretion na mag deklara nito.
DZXL558