13 katao – sugatan sa banggaan ng trak at kotse sa Lupi, Camarines Sur

Camarines Sur, Philippines – Sugatan ang 13-katao sa banggaan ng truck at kotse sa Barangay Tanawan, bayan ng Lupi, Camarines Sur.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Lupi Municipal Police – binabaybay ng truck ang pakubrang parte ng nasabing lugar nang aksidenteng makasalpukan ang kotse.

Sinasabing inokupa ng driver ng kotse ang linya ng truck na nagresulta sa kanilang banggaan.


Tumagilid sa kalsada ang truck habang nagpasikot-sikot naman ang kotse.

Nagtamo ng sugat ang dalawang driver at ang kanilang mga pasahero na itinakbo sa dalawang magkahiwalay na ospital.
DZXL558

Facebook Comments