MANILA – Pag-uusapan na ngayong araw ng Commission On Elections (COMELEC) En Banc ang petisyon tungkol sa umano’y posibleng paglabag ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa fair election act.Una nang naghain ng petisyon sa COMELEC si Dating Akbayan Rep. Walden Bello dahil pasok aniya sa campaign period ang nalalapit na Pacquiao-Bradley fight sa April 9.Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez – naglabas na ng rekomendasyon ang En Banc pero ayaw umano niya itong pangunahan dahil dadaan pa ang petisyon sa naturang poll body.Nabatid naman na noong 2007, lumaban din si Pacquiao sa boxing isang buwan bago ang halalan kung saan kumakandidato siya sa pagka-kongresista.Pero paglilinaw ni Jimenez, naging mahigpit ang pagpapalabas nila ng laban noon ni Pacquiao sa South Cotabato pero sa pagkakataon ito, iba na ang sitwasyon dahil kumakandidato na siya sa national position.Ayon naman kay Election Lawyer Atty. Romulo Macalintal – hindi dapat pagbawalan ang pagpapalabas ng trilogy fight dahil hindi naman ito maituturing na political advertisement.Samantala, sabi naman ni Pacquiao, wala siyang planong kanselahin o ipagpaliban ang laban kahit pa ma-disqualify siya sa halalan.Aniya, labas naman sa usapin ng pulitika ang kanyang boxing fight.
Petisyon Tungkol Sa Umano’Y Posibleng Paglabag Ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao Sa Fair Election Act – Pag-Uusapan Ng C
Facebook Comments