Petisyong inihain ng TNVS na ₱15 dagdag base fare, tuloy pa rin kahit may fuel subsidy na

Itutuloy pa rin ng mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang inihain nitong petisyon na ₱15 dagdag base fare kahit may fuel subsidy na.

Ayon kay Saturnino Mopas ng TNVS, nais nilang makipagdiyalogo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at himiling na bigyan sila ng pagkakataon na aprubahan ang kanilang petisyon dahil hindi na sapat ang kitang naiuuwi ng mga tsuper.

Sinabi ng TNVS na kahit unti-unti nang bumabalik sa dati ang kanilang hanapbuhay ay hindi pa rin sila tuluyang nakakabangon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


Inihain ng grupo ang petisyon noong November 2021 ngunit wala pang desisyon ang LTFRB ukol dito.

Bagama’t nagpapasalamat ang TNVS sa P6,500 na fuel subsidy, naniniwala ang grupo na dapat aksyunan ng LTFRB ang tuloy-tuloy na pagtaaas ng produktong petrolyo.

Facebook Comments