Binasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng mga kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Diseases (IATF) na may kaugnayan sa COVID-19.
Batay sa desisyon ng Supreme Court En Banc session noong Martes, sinabi nito na walang batayan para paboran ang mga petisyon nina Montemayor Jr., Perlas III, at Passengers and Riders Organization.
Ayon sa mga petitioner, dapat umanong ideklarang unconstitutional o labag sa batas ang mga kautusan ng IATF tulad ng mandatory vaccination, pagsusumite ng mga negative RT-PCR test kada ikalawang linggo gamit ang sariling pera ng publiko at maraming iba pa.
Sinabi ng Korte Suprema na nilabag ng mga petitioner ang Doctrine of Hierarchy of Courts, kung saan dapat aniya na ang petisyon ay isinampa muna sa mababang korte.