Petition for bail ng 10 akusado sa pagkamatay ni Horacio Castillo, ibinasura

Ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 20 ang petition for bail na inihain ng 10 akusadong itinuturo sa pagkamatay ng hazing victim at UST freshman law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo nitong Setyembre 2017.

Hindi pinagbigyan ni presiding Judge Marivic Balisi-Umali ang petisyon dahil ang mga “evidence of guilt” laban sa mga akusado ay matibay.

Malinaw na ang biktima ay nagtamo ng physical injuries at namatay.


Kabilang sa mga akusado ay mga miyembro ng Aegis Jvris Fraternity na sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Salamat, Danielle Rodrigo at Marcelino Bagtang Jr.

Ikinalugod naman ng pamilya ni Atio ang desisyon ng korte.

Facebook Comments