Petition for Issuance of Writ of Habeas Corpus ng maybahay ni WellMed Dialysis Center Co-Owner Bryan Sy , binasura ng Manila RTC

230

Binasura ng Manila RTC Branch 20 ang petition for issuance of writ of habeas corpus na inihain ni Ginang Therese Francesca Tan-Sy, maybahay ni WellMed Dialysis Center co-owner Bryan Sy.

Kaugnay ito ng sinasabing ghost PhilHealth claims na kinasasangkutan ng nasabing dialysis center.


Ipinauubaya na rin ng korte sa DOJ inquest prosecutor ang pag-determine sa validity ng warrantless arrest laban kay Sy.

Una nang kinuwestiyon ng kampo ni Sy ang pagdetain dito ng NBI nang walang kaukulang warrant of arrest.

Samantala sa ambush interview dito sa DOJ, kinuwestiyon  ni Atty Harry Roque ang kabiguan ng Philhealth na kasuhan ang kanilang mga tauhan na sangkot sa nasabing scam.

Imposible aniya na walang taga-Philhealth ang sangkot sa naturang katiwalian lalo nat mabilis itong mag-isyu ng payment sa Wellmed.



Si Roque ay isa sa mga abogado ng whistleblowers na sina Liezel Aileen De Leon at Edwin Roberto.


Facebook Comments