Tampok na mga sale sa Independence Day

47

Bukod sa libreng sakay sa LRT (Light Rail Transit) Line-1 at MRT (Metropolitan Rail Transit) Line-3 mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng hapon, mayroon ding iba pang sale upang igunita ng Independence Day.

May libreng concert ang ‘defense forces’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Rizal Open- Air Park Auditorium sa Hunyo 11, 6:00 ng hapon. Kabilang sa banda magtatanghal ay mula sa Philippine Air Force, Manila Police District, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at iba pa.


Mayroon Independence Day Sale ang SM Malls sa bansa na may promong 12% off kung bibili ng regular priced-items sa halagang P3,000.

https://www.manilashopper.com/2019/06/sm-store-independence-day-sale-2019.html

Mayroon ding Independence Day Seat Sale sa mga flights sa Philippine Airlines na nag-uumpisa sa halagang P399 at premium economy na P1699 mula Cebu mapapuntang Iloilo, Romblon at iba pang destinasyon.

https://www.philippineairlines.com/en/promotions/IDSS2019-ph

May 60% off din ang Discovery Country Suites sa Tagaytay na may presyong P7,200 sa Deluxe Suite at P8,600 sa Premier Suite na hanggang Hunyo 16.

Ang Seascape Village dining complex din ay may promo na isang kilo ng crab o alimango sa halagang P21.

Mayroon lamang 80 coupons kada araw ang maibabahagi sa kanilang promo. Ang first coupons ay pwedeng makuha mula 12:00 ng tanghali hanggang 4:00 ng hapon at ang second batch ay mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Facebook Comments

From Advertisers