Petition para sa dalawang pisong dagdag na pasahe, pormal ng inihain sa LTFRB

Manila, Philippines – Pormal nang naghain ng petition para sa dalawang pisong dagdag sa minimum na pasahe ang iba’t ibang jeepney operators at drivers sa tangggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Kabilang sa mga naghain ng fare increase petition ay ang Pasang Masda, ACTO, ALTODAP o Alliance Transport Operators Drivers Association of the Philippines , LTOP o liga ng transportasyon ng Pilipinas at FEJODAP.

Mula sa walong piso na minimum na pamasahe, magiging sampung piso na pamasahe kapag pinagbigyan ng LTFRB ang petisyon ng mga nabanggit na grupo.


Ayon sa jeepney operators at drivers, dahil sa napakabigat na daloy ng trapiko, patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo at spareparts ay kinakailangan na nilang magtaas ng singil sa pasahe.

Humingi sila pang unawa sa mga mananakay, dahil matagal nang nagtitiis ang mga operator at tsuper sa kakarampot na perang take-home mula sa kanilang pasada.

Facebook Comments