Manila, Philippines – Kinakatakutan ngayon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang unti-unting paggapang ng authoritarian rule sa buong bansa.
Matapos na paburan ng Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao sa botong 11-3-1 ay pinanangambahan na umabot ito hanggang sa Luzon.
Ayon kay Villarin, ngayong hawak na ng Pangulo ang pagkatig ng Supreme Court ay posibleng magdeklara ito ng drug-induced nationwide rebellion ng mga teroristang grupo para bigyang basehan ang pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.
Ganito aniya ang ginawa ng Pangulo sa kabila ng sa Marawi lamang ang gyera at hindi sa buong Mindanao.
Ang hirap aniya sa ilalim ng martial law ay mahirap ng baliin ang sistema at kapangyarihan na nakasanayan na.
Facebook Comments