Petro Gazz, nag-anunsyo na ng Oil Price Hike

Nag-anunsyo na ng kanilang Oil Price Increase ang kumpanyang Petro Gazz.

Epektibo alas 6:00 ng umaga sa Martes, magpapatupad ng P1.80 na dagdag-presyo sa kada Litro ng Diesel ang Petro Gazz habang P2.35 naman sa Gasolina.

Paliwanag naman sa Department of Energy (DOE), kahit hindi nagkaroon ng pag-atake sa oil sites sa Saudi Arabia inaasahang magmamahal talaga ang presyo ng langis dahil sa pagtaas ng halaga nito ng pandaigdigang merkado na sinabayan pa ng paghina ng piso.


Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, naranasan din ito ng bansa noong Enero dahil sa kakapusan ng suplay ng langis sa Iran at Venezuela.

Facebook Comments