PETROLYO | Suspensyon ng pagsingil sa excise tax sa 2019, tuloy parin – ayon sa DOE

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy tuloy na tuloy parin ang suspension ng paniningil ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa susunod na taon.

Ito naman ay sa harap narin ng 4 na sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Paliwanag ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa briefing sa Malacañang, bumababa ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa pagtaas ng produksyon langis ng mga bansang kasapi ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC na nakapaglalabas ng 390 libong bariles ng langis kada araw.


Sinabi nito na kahit patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market ay itutuloy parin ng Pamahalaan ang suspension ng pagsingil ng Gobyerno sa excise tax sa langis sa 2019.

Pero sinabi naman nito na sa oras na ito ay maipatupad ay agad itong isasalang sa pagaaral ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ay maaari lamang suspindihin ng Pamahalaan ang pagsingil sa excise tax sa produktong petroyo kapag hindi bumaba ng 80 dolyar kada bariles ang presyo ng langis sa world market sa loob ng 3 buwan.

Facebook Comments