Petsa ng deliberasyon sa Ombudsman, iniurong ng JBC

Inurong ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Oktubre 6 ang deliberasyon para sa bakanteng posisyon ng Ombudsman, na una sanang nakatakda noong Setyembre 19.

Ayon sa Konstitusyon, may tatlong buwan ang pangulo mula sa pagbabakante ng posisyon upang makapagtalaga ng bagong Ombudsman.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, pagkakataon ito upang mabigyan ng pagkakataon si Senate Committee on Justice Chairperson, Senator Francis Pangilinan na ma-review !ang mga application documents.

Matatandaan na nabakante ang posisyon noong Hulyo 27 matapos magretiro si Samuel Martires, kaya’t kailangang makapagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago o hanggang Oktubre 25.

Sa ngayon, may 17 aplikante para sa naturang posisyon.

Kamakailan, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Deputy Ombudsman para sa Visayas Dante Vargas bilang pansamantalang Ombudsman.

Mandato ng JBC sa ilalim ng Konstitusyon ang magsala ng mga nominado para sa mga posisyong panghudikatura.

Facebook Comments