Inilabas na ang Commission on Elections (COMELEC) ang petsa para sa special election sa 3rd District ng Negros Oriental.
Ito’y kasunod ng deklarasyon ng Kamara na bakante ang position ng kinatawan sa naturang distrito matapos patalsikin bilang kongresista si Arnolfo Teves.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, itinakda ng komisyon ang araw ng special election sa nasabing lalawigan sa December 9, 2023.
Nabatid na nasa higit 104,000 ang bilang ng mga botanteng nakarehistro at sakop nito ang pitong bayan at isang siyudad sa lalawigan.
Kaugnay nito ay inatasan na ng COMELEC ang kanilang mga tauhan sa Negros Oriental na simulan na rin ang paghahanda para sa pagsasagawa ng special election.
Facebook Comments