Representative France Castro, nabigong harangin ang pag-apruba ng House Committee on Appropriations sa proposed 2024 budget para sa OVP

Nabigo ang Makabayan Bloc, partikular si ACT Teachers Party-list Representative France Castro na kwestyunin sa budget hearing ng House Committee on appropriations ang P125 million na confidential funds na ginugol umano ng Office of the Vice President noong 2022 sa loob lamang ng 19 days.

Ito ay dahil sa loob lamang ng 13 minuto ay agad na inaprubahan ng komite ang P2.3 billion na proposed 2024 budget para sa tanggapan ng ikalawang pangulo.

Si Vice President Sara Duterte ang mismong humarap sa budget hearing.


Si Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang nagmosyon para sa termination ng budget hearing na tinutulan ng Makabayan Bloc pero nang magbotohan ang mga miyembro ng komite ay hindi sila napagbigyan

Facebook Comments