Petsa sa ipapatupad na granular lockdown sa iba’t ibang lugar sa bansa, isinasapinal na ayon sa DILG; isang taon na state of calamity sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic, nakatakdang mapaso na sa Setyembre

Pinag-aaralan na ng pamahalaan kung anong araw sa Setyembre sisimulan ang ipapatupad na granular lockdown sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pinagpipilian pa kung sa Setyembre 8 o Setyembre 13 sisimulan ang pagsasailalim sa granular lockdown sa iba’t-ibang lugar sa bansa sa halip ng umiiral ngayon na community quarantine status.

Dagdag pa ni Año, bibigyan muna nila ang mga LGU nang pagkakataon na maghanda sa bagong polisiya na ipapatupad.


Matatandaan, sa gitna ng makikipaglaban sa COVID-19, ang mga ipinapatupad na quarantine classifications sa bansa ay ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Samantala, nakatakda na rin mapaso sa Setyembre ang isang taon na state of calamity na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments