PEZA, pagtutuunan ang pagtatatag ng maraming oil depot

Pagtutuunan ng pansin ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagtatatag ng maraming oil depots, refineries, agro-industrial at renewable energy special economic zones sa pagpasok ng administrasyong Marcos.

Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, ang tanging paraan upang makabangon mula sa pandaigdigang banta ay maging “self-sustaining” at “self-reliant” lalo na sa produksyon ng langis at pagkain.

Ipinunto nito na kailangang palakasin ang manufacturing at refinery sa pamamagitan ng pakikinabang sa mayamang lupain, natural at human resources sa responsableng paraan.


Malaki aniya ang maitutulong ng oil depot at refinery special economic zones para tugunan ang krisis sa langis at ibaba ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

Naniniwala ang opisyal na kapag ginamit ang natural resources sa pagtatatag ng bagong ecozones ay matitigil na ang pag-export ng raw minerals at sa halip ay makagagawa pa ng de-kalidad na produkto.

Tiniyak naman ni Plaza na lilikha sila ng smart at digitalized ecozones nang hindi sinisira ang kalikasan.

Facebook Comments