PFD, mariing kinokondena si KWF Chairman Casanova hinggil sa pagpapatalsik sa mga tauhan ng FSL unit

 

Nagsagawa ang grupo ng Philippine Federation of the Deaf (PFD) ngayong umaga ng isang kilos-protesta upang kondenahin ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Chairman na si Arthur Casanova sa pagpapatanggal nito sa ilang tauhan ng naturang kagawaran.

Partikular na ang dalawang deaf personnel at limang staff ng Filipino Sign Language (FSL) Unit, na natanggal umano dahil sa pakikipaglaban sa karapatang matanggap ang suweldo sa tamang oras.

Kabilang sa mga napatalsik ay ang Senior Deaf Advocacy Officer na si Patrick Bryan Ablaza, na nananawagan ng suporta sa pamahalaan at publiko na maisulong ang k karapatan ng mga may problema sa pandinig at labanan ang diskriminasyon sa kanilang komunidad.


Ayon rin kay PFD President Mariah Agbay, ang pangyayaring ito ay banta sa functionality ng FSL Unit at pag-alis sa mga bingi ng kanilang karapatan sa wika na lumalabag sa mandato ng RA 7104.

Facebook Comments