Pfizer COVID-19 vaccine, ‘partially protective’ laban sa Omicron variant

Lumabas sa isang pag-aaral na kayang protektahan laban sa Omicron variant ng COVID-19, ang mga indibidwal na nabakunahan ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ito ang paliwanag ng Bloomberg batay sa ginawang research ni Alex Sigal, head ng isang laboratoryo sa Africa Health Research Institute sa South Africa.

Pero ayon kay Sigal, hindi pa buong nagbibigay ng proteksiyon ang bakuna ng Pfizer laban sa bagong variant at kailangan pa ng booster shot ng nabakunahan nito.


Pero sa kabila nito, tiniyak naman ni Michael Ryan, emergency director ng World Health Organization (WHO) na mananatiling epektibo ang lahat ng bakuna kontra bagong virus.

Nitong November 26 unang itinuring na ‘variant of concern’ ang Omicron variant ng COVID-19.

Facebook Comments