Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Air Hong Kong flight LD456 lulan ang mahigit 1.9 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Naipadala na rin ang 210,000 doses sa Cebu at 111,000 doses naman sa Davao.
Sa kabuuan, 2.2 million na doses ng mga donasyong bakuna mula sa COVAX Facility ang dumating na sa bansa nitong Huwebes ng gabi.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang mga bakuna ay gagamitin sa mga hindi pa fully vaccinated na mga indibidwal mula sa A1 hanggang A3 groups o mga medical frontliners, senior citizens at may comorbidities.
Tiniyak din ng DOH na bibilisan pa nila ang mass vaccination para lalo pang mapigilan ang pagkalat ng infection.
Muli namang nanawagan sa publiko si Health Sec. Francisco Duque III na samantalahin ang pagpapabakuna at maging maingat pa rin kahit nabakunahan na.