Nanindigan ang US-based pharmaceutical company na Pfizer na hindi minadali ang proseso ng paggawa ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.
Nabatid sinimulan na ng United Kingdom ang kanilang vaccination campaign gamit ang bakuna ng Pfizer-BioNTech.
Ayon kay Pfizer Chief Executive Albert Bourla na naiintindihan nila ang hinaing at pagdududa ng ilan ukol sa bilis ng mga pharmaceutical companies sa pag-develop ng COVID vaccine.
Iginiit ni Bourla na dapat mataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna at ituring itong ligtas at epektibo.
Dagdag pa ng Pfizer official, subok na ang bakuna gamit ang makabagong teknolohiya at nabusisi sa mataas na pamantayan.
Sinisiguro rin ng mga kumpanya na ligtas at mabisa ang mga mabakuna ang kanilang ilalabas sa merkado at maingat din ang mga regulators.
Ang desisyon sa pagpapabakuna ay hindi lamang makakaapekto sa sariling kalusugan pero maging sa iba pang mga tao lalo na ang kalusugan ng mga mahal sa buhay.
Binigyang diin ni Bourla na ang hindi pagpapabakuna ay daan lamang para kumalat ang virus.